dzme1530.ph

NBI DIRECTOR MELVIN MATIBAG, ITINANGGING NAIS DIKTAHAN ANG IMPEACHMENT COURT

Loading

Itinanggi ni NBI Director Melvin Matibag na nais niyang diktahan ang Impeachment Court sa hiling na gawing mas maaga ang pagharap niya sa paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Ipinaliwanag ni Matibag na simpleng request lamang ang isinumite niya sa korte sa pamamagitan ng prosekusyon upang hindi magkaroon ng conflict sa nakatakda niyang pakikipagpulong kay FBI Director Kash Patel.
 
Sinabi ng opisyal na nagtataka siya sa pahayag ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano na tila nagdidikta siya sa korte.
 
Iginiit ni Matibag na ang huling nais niyang mangyari ay maging pabigat sa ibang tao.

About The Author