dzme1530.ph

SOUTH KOREAN ACTOR GONG YOO, DARATING SA PILIPINAS

Loading

Darating sa Pilipinas ang South Korean actor na si Gong Yoo para sa kanyang “The Long Take” fan meeting tour.
 
Sa Instagram, inanunsyo ng agency ng aktor na Management SOOP, na gaganapin ang fan meeting sa Manila, Jakarta, Yokohama, Bangkok, Macau, at Seoul.
 
Ang naturang post ay naglalaman ng handwritten letter, kung saan pinasalamatan ni Gong Yoo ang kanyang fans para sa birthday greetings at patuloy na suporta sa kanya sa mga nakalipas na taon.
 
Sa ngayon ay wala pang inilabas na tour dates at ticketing details para sa “The Long Take” fan meeting.
 
Noong nakaraang buwan ay ni-recreate nina Gong Yoo, Kim Go Eun, Lee Dong Wook, at Yoo In Na ang iconic Goblin pose para sa 10th anniversary special ng series.

About The Author