![]()
Tumaas muli ang presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes.
Ayon sa Department of Energy (DOE), may ₱1 na dagdag o bawas ang mga kumpanya ng langis sa kada litro ng gasolina.
Nadagdagan naman ng ₱2.62 hanggang ₱4.62 ang kada litro ng diesel.
Habang ₱2.22 hanggang ₱4.22 ang itinaas sa kada litro ng kerosene.
Sinabi ng DOE na ang actual price adjustment ay depende sa oil companies.
