![]()
Patuloy ang pagbangon ng salt industry sa bansa sa unang kalahati ng 2026, matapos umabot sa 199,293 metric tons ang kabuuang produksiyon ng artisanal, solar, at cooking salt mula Enero hanggang Hunyo.
Ayon sa Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR), ang pagtaas ng produksiyon ay bunga ng Development of Salt Industry Project.
Layunin ng naturang programa na buhayin ang industriya ng asin sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga coastal community ng teknolohiya, imprastraktura, at livelihood support.
Isa sa mga halimbawa ng epekto ng proyekto ay ang Barangay Tawagan Sur sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, kung saan matagumpay na napalawak ng isang local fisherfolk association ang kanilang salt farming operations.
