![]()
Suspendido ang klase sa ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ngayong Miyerkules bunsod ng masamang panahon.
Sa Caloocan, walang pasok sa daycare hanggang senior high school, sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Kanselado ang face-to-face classes sa Malabon sa public at private schools.
Wala ring face-to-face classes sa pre-school hanggang senior high school sa Navotas.
