dzme1530.ph

IMPEACHMENT TRIAL, IPINATITIGIL SA SUPREME COURT DAHIL SA ISYU NG LIGALIDAD SA RULES AT PRESIDING OFFICER

Loading

Hiniling ng mga abogadong kaalyado ni Vice President Sara Duterte sa Supreme Court na ipatigil ang proceedings ng Senate Impeachment Court dahil sa isyu ng legalidad ng rules nito, maging sa pagkakatalaga kay Sen. Chiz Escudero bilang presiding officer.
 
Sa isang Very Urgent Manifestation with Motion, hiniling ng mga abogado sa pangunguna ni Atty. Israelito Torreon na maglabas ang SC ng status quo ante order o anumang kaukulang relief upang hindi magpatuloy ang paglilitis sa Bise Presidente.
 
Ang manifestation ay kaugnay sa orihinal na petisyon na inihain noong Marso ni Torreon, maging ni Duterte, upang ipawalang-bisa ang impeachment complaints.
 
Ayon sa kampo ni VP Sara, kwestyunable ang ginawang pagbabago sa rules of procedure na nagbigay-daan para maluklok si Escudero bilang presiding officer.
 
Ito ay dahil wala umanong quorum ang Senado nang gawin ang sesyon noong June 3, walang advance notice bago gawin ang pag-amyenda sa rules, at hindi ang mismong Impeachment Court ang nagsagawa ng pag-amyenda.

About The Author