dzme1530.ph

MAGIGING DESISYON NG KORTE SUPREMA SA PETISYON LABAN SA IMPEACHMENT TRIAL LABAN KAY VP SARA, PAGBOBOTOHAN NG SENATOR-JUDGES

Loading

PAGBOBOTOHAN ng mga Impeachment Court ang anumang magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa petisyon laban sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Ito ang iginiit ni Atty. Reginald Tongol bilang spokesperson ng Impeachment Court sa tanong kung susundin ba ng Impeachment Court kung sakaling may TRO.
 
Ipinaliwanag ng tagapagsalita na hindi maaaring desisyunan lamang ng isang miyembro ng Senado kung sakaling may TRO, kundi ito ay kanilang pagbobotohan bilang isang collegial body.
 
Sinabi ni Tongol na ginawa na ito sa mga naunang desisyon ng hiwalay na sangay ng pamahalaan.
 
Kahapon ay naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang mga abogadong kakampi ni VP Sara at gustong ipahinto ang nasimulan nang impeachment trial.

About The Author