![]()
HINDI pinagbigyan ng Sandiganbayan Third Division ang hiling ni dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na pansamantalang makalaya para dumalaw sa burol ng kanyang half-brother.
Sa tatlong pahinang resolusyon, sinabi ng anti-graft court na bagaman ang pagpanaw ng isang kapatid ay personal na trahedya, bigo si Revilla na makumbinsi ang korte na pagbigyan ang kanyang hiling, lalo na’t mabigat ang paratang laban sa kanya.
Tinukoy ni Revilla ang kanyang pumanaw na half-brother na si Jojo Bautista na ibinurol sa Angelus Eternal Garden sa Imus, Cavite.
Kasalukuyang nakakulong ang dating senador sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas kaugnay ng malversation case bunsod ng umano’y 92.8-million-peso flood control project sa Pandi, Bulacan.
