![]()
Nilisan ni Filipina tennis sensation Alex Eala ang Wimbledon ng may “renewed confidence,” partikular kung paano harapin ang pressure sa isa sa biggest stages ng tennis.
Sa kabila ng pagkabigo kay Italian 13th seed Jasmine Paolini sa Round of 16 sa Wimbledon, sinabi ni Eala na masaya siya sa kanyang ipinakita at napanatili ang pagiging kalmado para makontrol ang kanyang emosyon sa gitna ng match.
Idinagdag ng bente uno anyos na Pinay na napaka-challenging ng match nila ng Italian opponent at proud siya na ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya.
Nagtapos ang impresibong kampanya ng Pinay tennis superstar sa Wimbledon makaraang kapusin kay Paolini sa score na 6-4, 4-6, 6-3.
Si Eala ang kauna-unahang Filipina na nakarating sa Wimbledon Round of 16 sa Open Era.
