dzme1530.ph

PAGBIBIGAY PRAYORIDAD SA IBA PANG IMBESTIGASYON NG SENADO KASABAY NG IMPEACHMENT TRIAL, IGINIIT

Loading

Iginiit ni Senator-judge Alan Peter Cayetano na dapat bigyan ng Senado ng kaparehong prayoridad ang imbestigasyon sa umano’y mga anomalya sa mga flood control project tulad ng ginagawa nito sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
 
Sinabi ni Cayetano na hindi lang ang impeachment trial ang pamantayan ng pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno.
 
Kinuwestiyon din ni Cayetano kung bakit wala pang pag-usad ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng umano’y mga iregularidad sa mga flood control project.
 
Iginiit ni Cayetano na kung ma-schedule ng 30 weeks na tuloy-tuloy ang impeachment trial, bakit hindi ma-schedule ang pagtalakay sa flood control ng Senate Blue Ribbon Committee.
 
Hinimok din niya ang publiko na subaybayan ang impeachment trial at unawain ang mga isyung tinatalakay sa tulong ng mga legal na eksperto.
 
Ayon pa kay Cayetano, dapat ding ipagpatuloy ng Senado ang kanilang legislative work at ang tungkulin nitong magsagawa ng oversight kahit nagpapatuloy ang impeachment trial.

About The Author