![]()
Deserve ng mamamayang Pilipino na marinig at makita ang lahat ng ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte bago siya husgahan.
‘Yan ang pakiusap ni trial spokesperson at impeachment adviser Robert Ace Barbers, habang papalapit ang takdang araw ng paglilitis laban kay Duterte.
Mas maigi ayon kay Barbers na hayaan gumulong ang prosesong konstitusyunal sa halip na guluhin ng iba’t ibang competing political narratives.
Ang impeachment process ay isa umanong constitutional mechanism na dinisenyo para palitawin ang facts sa paraan ng ebidensya sa harap ng impartial court.
Dagdag pa ni Barbers, ipinagkatiwala ng Saligang Batas sa impeachment court na magpasya sa isang kaso base sa tibay ng ebidensya at hindi sa public noise at political rhetoric.