![]()
Inaprubahan ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) ang hiling ni Minister Eraño Manalo ng Iglesia ni Cristo (INC) na magsagawa ng mapayapang rally sa kahabaan ng White Plains Avenue at Temple Drive, ngayong Miyerkules.
Batay sa kopya ng permit na ibinahagi ng Quezon City Police District (QCPD), itinakda ang assembly simula alas otso ng umaga hanggang alas otso ng gabi, at inaasahang dadaluhan ng isandaang libo katao.
Nakasaad sa permit na walang objection ang DPOS sa aktibidad, basta’t tiyakin ng organizers ang mahigpit na pagtalima sa guidelines na itinakda ng city government.
Kabilang sa mga kondisyon ay ang pagbabawal na isarado ng buo ang kalsada habang ginaganap ang pagtitipon, panatilihing malinis at maayos ang lugar, at agad magsagawa ng cleanup pagkatapos ng event.
Nakasaad din sa permit na maaari itong bawiin o kanselahin sakaling magkaroon ng emergency, kung kinakailangan para sa kapakanan ng publiko, o kung mabigo ang organizers na tumupad sa mga kondisyon.
