![]()
Dismayado ang ilang grupo ng mga pampublikong transportasyon sa nangyaring kilos protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo o INC.
Ito ay matapos bumigat ang daloy ng trapiko at isara ang isang panig ng EDSA dahil sa isinasagawang protesta ng INC sa Whiteplains Avenue at EDSA.
Kabilang sa mga nagreklamo ay ang grupong Pasang Masda, Manibela, Metro Rizal UV Express, maging ang Metro Manila buses na bumabiyahe sa busway.
Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, bagaman kinikilala nila ang karapatan ng mga miyembro ng INC na magpahayag ng kanilang saloobin, hindi dapat sa paraan na napeperwisyo ang hanapbuhay ng mga gaya nilang nasa pampublikong transportasyon.
Maliban dito, sobrang apektado anila ang maraming mga pasahero na karamihan ay mga manggagawa.
Umapela naman ni Manibela Chairperson Mar Balbuena na sana daanin sa mahinahon na paraan at iwasang makaabala ng mga motorista, maging sa hanapbuhay ng mga tsuper at estudyante.
Sa kabila nito, kaisa aniya sila ng mga miyembro ng INC sa paghahanap ng transparency at accountability.
