dzme1530.ph

KAMALAYAN NG PUBLIKO SA PAGHAHANDA SA PAGHARAP SA KALAMIDAD

Loading

Naniniwala si Office of Civil Defense Spokesperson Junie Castillo na tumaas na ang kamalayan ng publiko para sa paghahanda sa pagharap sa kalamidad.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Castillo na maging ang mga ahensya ng gobyerno ay tuloy-tuloy ang paghahanda para sa pagtugon sa anumang sitwasyon.
 
Sinabi ni Castillo na mahalagang natututunan ng publiko ang mga aral na idinulot ng mga nakalipas na kalamidad kabilang na ang lindol at bagyo.
 
Ginawa ni Castillo ang pahayag sa gitna pagsisimula ng National Disaster Month, bukas, July 1.

About The Author