![]()
Umabot na sa 160-meter critical low level ang water level sa Angat Dam.
Ayon sa PAGASA, as of 8 a.m. kanina, umabot sa 159.95 meters ang water level sa dam.
Bumaba ito ng 0.8 meters kumpara kahapon.
Una ng inihayag ng PAGASA na posible sa ikalawa o ikatlong linggo pa ng Hulyo magsimula ang recovery ng water level sa Angat Dam sa pagsisimula ng habagat rains.
