dzme1530.ph

LIBU-LIBONG MIYEMBRO NG IGLESIA NI CRISTO, NAGSAGAWA NG BIGLAANG KILOS PROTESTA BILANG SUPORTA KAY SEN MARCOLETA

Loading

Umabot na sa siyam na libong raliyista ang nagsasagawa ng kilos protesta sa EDSA People Power Monument.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni NCRPO Spokesperson, Police Major Hazel Asilo, bukod sa EDSA, may minomonitor din silang rally sa Liwasang Bonifacio sa Lungsod ng Maynila.
 
Sa EDSA rally ay inaalam pa nila kung ano ang plano ng mga raliyista.
 
As of 7:18 kaninang umaga, sarado sa daloy ng trapiko ang northbound lane ng EDSA Ortigas Service Road at EDSA Ortigas Flyover gayundin ang southbound lane ng EDSA Ortigas Flyover at eastbound at westbound lane ng White Plains Avenue.
 
Sa isang pahayag, inamin ng Iglesia ni Cristo na mga miyembro nila ang nagsasagawa ng kilos protesta bilang panawagan para sa transparency at accountability sa gitna ng mga isyu ng katiwalian sa bansa.

About The Author