![]()
Labing apat na indibidwal ang nasawi matapos bumagsak ang isang helicopter sa Saudi Arabia.
Ayon sa Saudi Press Agency, patay ang lahat ng sakay ng helicopter na pag-aari ng state oil giant na Aramco, nang mag-crash sa eastern coastal city ng Ras Tanura.
Lahat ng labing apat na biktima ay Saudi citizens, bagaman nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente.
Nagpaabot na ang Saudi Energy Ministry ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima.
Ang Ras Tanura ay tahanan ng major Aramco refinery na isa sa pinakamalaki sa Middle East.