dzme1530.ph

1-BILLION PESO CIVIL CASE LABAN KINA DATING SPEAKER ROMUALDEZ AT DATING CONG. ZALDY CO, IBINASURA NG QUEZON CITY COURT DAHIL SA HINDI BINAYARANG FILING FEES

Loading

IBINASURA ng Quezon City Regional Trial Court ang ₱1-bilyong civil case na isinampa laban kina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael Vargas, at iba pang respondents.
 
Kaugnay ito sa umano’y pagkakasangkot nila sa maanomalyang flood control projects. Ibinasura ang kaso dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.
 
Batay sa kautusan ng korte, hindi nito maaaring aksyunan ang reklamo dahil sa kabiguan ng nagsasakdal na magbayad ng kinakailangang filing fees, sa kabila ng naipadalang notice noong Pebrero 20, 2026.
 
Noong Disyembre 2025, inihain ni dating Quezon City Councilor Ariel Inton, sa ngalan ng United Peoples Against Corruption (UPAC), ang reklamong abuse of rights at unjust enrichment laban kina Romualdez, Co, Vargas, ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at mga pribadong contractor.

About The Author