![]()
Libu-libong indibidwal ang nakiisa sa isinagawang White Ribbon March sa EDSA People Power Monument bilang patuloy na panawagan sa pananagutan sa gitna ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte at imbestigasyon sa flood control projects scam.
Nilinaw naman ni BAYAN President Renato Reyes na ang protesta ay hindi pro-Marcos at hindi rin pro-Duterte.
Malinaw aniya ito na isang anti-corruption protest upang panagutin ang mga sangkot sa katiwalian.
Sinimulan ang aktibidad ng isang misa na pinangunahan ni Bishop Jose Colin Bagaforo at hinimok ang mga opisyal ng gobyerno na tigilan ang pagiging makasarili.
Sinundan ito ng martsa patungong People Power Monument kung saan nagpahayag ng iba’t ibang saloobin ang mga inter-religious at civil society speakers.
Wala namang naitalang untoward incident ang pulisya sa aktibidad na idineklarang generally peaceful.
