![]()
Posibleng hindi lamang “smoking gun” kundi “armory” ang laman ng BIR box kaya todo tanggi ang mga abogado ni Vice President Sara Duterte na mabuksan ito.
Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, House trial spokesperson, sa simula’t simula pa lamang ay tinutulan na nila ito.
Bagay na nagbibigay ng mensahe na takot silang makita ang laman ng box.
Para naman kay House legal spokesperson Benjamin “Jay” Tolosa Jr., “highly unusual” ang pag-object ng defense na markahan kahit ang kahon bilang exhibit na bahagi lamang ng procedural step sa pre-trial.
Paliwanag ng abogado, parehong malayang markahan ng magkabilang panig ang mga ebidensyang nais nilang iprisinta sa trial, at ang admissibility nito ay pagdedesisyunan pa ng impeachment court.
Ayon pa kina Alonto at Tolosa, ang mga tax documents sa loob ng box ay “central” sa impeachment article na nag-aakusa ng unexplained wealth.
