![]()
Mahihirapan si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na lumabas ng Pilipinas dahil 132 countries ay miyembro ng International Criminal Court (ICC).
Ito, ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, kasabay ng pagsasabing may malakas na indikasyon na nasa bansa pa rin si Dela Rosa.
Idinagdag ni Matibag na mayroon silang mga impormasyong sinusundan upang matunton ang kinaroroonan ng senador.
Si Dela Rosa ay subject ng arrest warrant dahil sa umano’y criminal responsibility bilang indirect co-perpetrator sa crimes against humanity of murder simula July 3, 2016 hanggang katapusan ng April 2018, kung saan tatlumpu’t dalawang katao ang nasawi.
