dzme1530.ph

JEONGHAN NG SEVENTEEN, NAKUMPLETO NA ANG KANYANG MILITARY SERVICE; BINATI ANG FANS SA LIVESTREAM

Loading

Opisyal nang natapos ng SEVENTEEN member na si Jeonghan ang kanyang mandatory military service at binati ang fans sa pamamagitan ng surprise livestream.
 
Sa Weverse, ipinagdiwang ng K-pop idol ang naturang milestone with balloons and cake na inihanda para sa okasyon.
 
Ang livestream ang nagsilbing first interaction with fans ni Jeonghan kasunod ng pagkumpleto sa kanyang service.
 
Sinabi niya na excited na siyang magkaroon muli ng koneksyon sa kanyang mga fans.
 
Na-enlist si Jeonghan noong 2024, at siya ang kauna-unahang SEVENTEEN member na pumasok sa mandatory service.
 
Sina Wonwoo, Hoshi, at Woozi ay hindi pa tapos sa kanilang service.

About The Author