dzme1530.ph

Balance of Payments ng bansa, balik sa surplus noong Marso

Balik sa Surplus ang Balance of Payments (BOP) noong Marso, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sa datos na inilabas ng BSP, naitala sa $1.267-B Surplus ang BOP level noong ikatlong buwan ng taon.

Kumpara ito sa $895-M deficit noong Pebrero at $754-M surplus noong March 2022.

Sinabi ng BSP na ang BOP Surplus noong Marso ay repleksyon ng inflows mula sa foreign currency loans ng pamahalaan.

About The Author