dzme1530.ph

BANGAYAN SA PULITIKA, IGINIIT NA ITIGIL MUNA AT UNAHIN ANG PAGTULONG SA MGA NILINDOL

Loading

UMAPELA si Senador Christopher Bong Go sa kanyang mga kapwa pulitiko partikular ang mga kasamahan sa Senado na tigilan muna ang bangayan at tulungan muna ang mga biktima ng lindol sa Mindanao.
 
Ginawa ni Go ang apela sa kanyang patungo sa Sarangani upang umayuda sa mga biktima ng kalamidad.
 
Nanlumo ang senador sa dinatnan sa mga bayan ng Malapata at Glan sa lalawigan dahil sa matinding pinsala na dulot ng pagyanig kung saan nasa 20 rin ang naiulat na namatay.
 
Bukod dito, mahirap pa ring marating ang mga naturang lugar kaya’t limitado ang naibibigay na tulong bagama’t matindi na ang pangangailangan ng mga residente ng essential supplies tulad ng tubig, gasolina, at pagkain.
 
Ayon naman kay Glan, Sarangani Mayor Tata Yap, si Go ang pinakaunang opisyal na nakarating para tumulong sa kanilang lugar.
 
Kaugnay nito ay hinikayat ni Go ang mga kapwa niya mambabatas at iba pang mga opisyal ng gobyerno na suyurin at sikaping marating ang mga cut-off at malalayong lugar, dahil napakaraming Mindanaoan ang nangangailangan ng tulong.

About The Author