dzme1530.ph

KINAKAILANGANG BILANG NG BOTO NG MGA SENADOR SA PAGGAWAD NG HATOL NG IMPEACHMENT COURT KAY VP SARA, HINDI MAGBABAGO

Loading

Hindi magbabago ang kinakailangang bilang ng boto ng mga senador sa paggawad ng hatol ng impeachment court kay Vice President Sara Duterte.
 
Ito ang nilinaw ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian kasunod ng babala ni Senador Alan Peter Cayetano na tatangkain ng bagong majority bloc na ibaba ang voting threshold para makonvict ang Bise Presidente.
 
Sinabi ni Gatchalian na susundin nila ang nakasaad sa 1987 Constitution na 16 na boto bilang conviction threshold o boto para sa paggagawad ng hatol na guilty, kahit ilan pa ang senador na sisipot at lalahok sa impeachment trial.
 
Ipinaliwanag ng senador na batay sa Article 11 Section 3 Paragraph 6 ng Konstitusyon, 2/3 ng 24 na senador ang kailangan para sa conviction o katumbas ng 16 na boto.
 
Kasabay nito, kinumpirma ni Gatchalian na nag-isyu na siya ng kautusan para idaos sa June 18 ang pre-trial conference sa impeachment case ni VP Sara.
 
Binigyan niya ng hanggang June 15 ang House prosecution panel at ang kampo ng Bise Presidente para magsumite ng pre-trial briefs at itinakda na ang trial proper sa July 6.

About The Author