![]()
Posibleng tumagal ng ilang buwan ang suspensyon ng klase sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Mindanao, ayon kay Education Secretary Sonny Angara.
Sinabi ng kalihim na sa ngayon ay mahirap pang magbigay ng petsa kung kailan maipagpapatuloy ang mga klase dahil ongoing pa ang assessment.
Aniya, matatagalan pa ang pagbabalik sa eskwelahan ng mga naapektuhan ng lindol dahil karamihan ay nasa evacuation centers pa, at damay din dito pati mga guro.
Nangako naman si Angara na palalakasin nila ang earthquake drills upang sanayin ang mga mag-aaral sa mas epektibong hakbangin sakaling magkaroon muli ng mga lindol.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Department of Education, 1,129 na paaralan sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao ang nagtamo ng pinsala kasunod ng malakas na pagyanig.
