dzme1530.ph

RED ALERT, ITINAAS SA VISAYAS GRID

Loading

Asahan ng electricity consumers sa Visayas ang rotating brownouts ngayong hapon matapos itaas ang red alert bunsod ng mas mataas na demand sa kuryente at unavailability ng iba’t ibang power plants.
 
Sa advisory, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na epektibo ang red alert simula kaninang 1 p.m. hanggang mamayang 7 p.m.
 
Susundan naman ito ng yellow alert simula 7 p.m. hanggang 9 p.m.
 
Ayon sa NGCP, sa kasalukuyan ay nag-o-operate ang Visayan grid sa 2,429 megawatts capacity kontra sa peak demand na inaasahang papalo sa 2,421 megawatts.

About The Author