dzme1530.ph

MAKABAYAN BLOC, ISINUSULONG ANG PANUKALANG ITAAS SA P50K ANG SWELDO NG MGA NURSE

Loading

Nagkaisa ang Makabayan bloc na binubuo ng ACT Teachers Party-list, Gabriela Party-list at Kabataan Party-list sa pagsusulong ng panukala upang itaas sa ₱50,000 ang sweldo ng mga nurse.
 
Ang House Bill No. 9841 o Comprehensive Nursing Law of 2026 ay layong i-overhaul ang nursing sector sa bansa at itaas sa ₱50,000 ang kanilang entry-level salary.
 
Nais din nitong protektahan ang healthcare ng mga nurse at pasyente sa pamamagitan ng pagpapatupad ng one-is-to-six (1:6) nurse-to-patient ratio sa general ward.
 
Ayon kina Reps. Antonio Tinio, Sarah Elago at Renee Co, sa current system, masyadong exploited ang mga nurse.
 
Karamihan sa magagaling na Pinoy nurse ay nasa abroad dahil sa malaking kita, subalit naghihirap naman ang mga local hospitals dahil sa kakulangan ng staff.
 
Sa HB No. 9841, pinapawalang-bisa nito ang Republic Act No. 9173 o ang Phil. Nursing Act of 2002.
 
At kung ganap na maging batas, tutugunan nito ang problema sa nursing crisis, poverty-level wages, walang katiyakang employment, dangerous working condition, at contractualization.

About The Author