![]()
KINUMPIRMA ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian na may konkesyon sa 18 dating bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co ang sinasabin banta sa seguridad ng Senado.
Binanggit ni Gatchalain na batay sa impormasyong ibinigay sa kanila ni NBI Director Atty. Melvin Matibag, may armed group na magtatangkang manggulo sa Senado.
Ito ang dahilan kaya’t agad niyang pinulong ang Executive Committee ng Senado kasama ang Senate Sgt. At Arms upang mailatag ang heightened security procedurees.
Binigyang-diin ng senador na hangga’t hindi pa natatapos ang balidasyon sa mga intelligence information ay patuloy silang magpapatupad ng mahigpit na seguridad sa Senado upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Sinabi ni Gatchalian na seryoso nilang itinuturing ang banta dahil prayoridad nila ang kaligtasan ng lahat ng pumapasok sa Senado.
Ibinihagi pa ng senador na marami pa sa mga empleyado ng Senado ang may takot sa nangyaring putukan noon May 13 kaya’t nais niyang matiyak ang kaayusan sa compound.
