dzme1530.ph

SEN. ALAN PETER CAYETANO, TINAWAG NA WALANG PAGGALANG SA RULE OF LAW

Loading

TINAWAG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson si Senador Alan Peter Cayetano na walang disenteng pag-uugali o paggalang man sa rule of law.
 
Sinabi ni Lacson na sa halip na dumulog sa Korte Suprema ay gumagamit si Cayetano ng maruming paraan upang kontrahin ang mga pangyayari sa Senado.
 
Muling nanindigan si Lacson na malinaw na may quorum noong Miyerkules at naihalal kay Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President.
 
Nguni’t pinilit ni Cayetano na siya pa rin ang Senate President at dumalo kasama ang ilan sa kanyang mga tagasuporta noong Huwebes — isang araw matapos mag-adjourn sine die ang Senado — at nagsagawa ng umano’y pagdinig ng komite.
 
Binatikos ni Lacson si Cayetano dahil sa pagdadawit sa kanyang pangalan sa aniya’y huwad na pagdinig.

About The Author