![]()
Matagumpay na naharang ng Bureau of Customs ang isang abandonadong papasok na parcel na naglalaman ng ilegal na droga sa isinagawang drug interdiction operation sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Domestic Road, Pasay City.
Natuklasan ng Bureau of Customs Port of NAIA ang laman ng parcel na naka-consignee sa isang indibidwal sa Manila mula Spain base sa nakitang kahina-hinalang imahe nang dumaan sa initial screening inspection.
Kasunod nito, idinaan sa physical examination ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang naturang parcel kung saan tumambad sa mga operatiba ang 201 piraso ng mga colored tablet o ecstasy na nakalagay sa Lego bricks sa loob ng plastic bag na may SDP na Php 341,700.00.
Ang mga nasamsam na illegal drugs ay nai-turn over na ng NAIA-Customs sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon kung sino ang nasa likod ng tangkang pagpupuslit ng ilegal na droga papasok sa bansa.
