dzme1530.ph

NBI, MULING BINUKSAN ANG IMBESTIGASYON SA 18 FORMER MARINES; TIG-P5 MILLION, TINANGGAP UMANO NG MGA DATING SUNDALO

Loading

Binuksan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang imbestigasyon sa 18 individuals na nagpakilalang dating marines.
 
Ito’y makaraang makatanggap ang ahensya ng impormasyon na sinuhulan umano ang grupo para sa kanilang mga testimonya.
 
Ayon sa NBI, isang kaanak ng ex-marines ang nagbunyag sa affidavit na bawat miyembro ng grupo ay binayaran ng 5 million pesos kapalit ng kanilang testimonya.
 
Nakasad din sa affidavit na si dating Congressman Mike Defensor ang responsable sa pakikipag-usap at nakikipag-negosasyon sa grupo.
 
Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na nagsumite ang kaanak ng dating marines matapos bigong matanggap ang ipinangakong limang milyong piso.
 
Idinagdag ni Matibag na nagpadala na sila ng subpoena kay Defensor para ipaliwanag ang kanyang panig.
 
Binigyang diin din ng NBI Director na nananatiling unverified ang alegasyon at ongoing pa ang imbestigasyon.

About The Author