![]()
Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatawag ng special session sa Kongreso, sa kabila ng sine die adjournment, sakaling hilingin ito ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian.
Sa press conference, binigyang-diin ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na kinikilala ng Malakanyang ang liderato ni Gatchalian.
Ibig sabihin aniya nito, kikilalanin lamang ng Executive ang lahat ng mensahe na manggagaling sa bagong Senate leadership.
Idinagdag ni Castro na hindi nais ng Pangulo na magkaroon ng pag-antala sa trabaho ng Senado dahil na rin sa mga nangyayari sa mataas na kapulungan kamakailan.
Basta ang official request aniya ay dapat kinapapalooban ng valid grounds para magpatawag ng special session.
