dzme1530.ph

SANDIGANBAYAN, HINIMOK NI SEN. JINGGOY ESTRADA NA AKSYUNAN ANG KANYANG MGA MOSYON SA KASO AT IPATUPAD ANG DUE PROCESS

Loading

NANAWAGAN si Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na talakayin muna ang kanyang mga mosyon na inihain bago maglabas ng warrant of arrest kaugnay sa kanyang kasong plunder.
 
Sinabi ni Estrada na kasabay ng pagpiyansa niya noong Biyernes ay nagsampa. Ang kanyang mga abogado ng pleadings na naglalayong pag-isahin ang mga kaso at ipagpaliban ang pag-iisyu ng warrant of arrest.
 
Nagsampa rin ang kanyang legal team ng urgent omnibus motion ad cautelam na humihiling na ibasura ang impormasyon, ipatigil ang kaso o kaya’ty suspindihin ang mga pagdinig at ibalik ito para sa muling imbestigasyon.
 
Binigyang-diin ni Estrada na karapatan niyang gamitin ang lahat ng ligal na remedyo kabilang na ang paghahain ng mosyon para muling ikunsidera ang desisyon lalo’t noong Biyernes lamang niiya natanggap ang kopya ng resolusyon ng Ombudsman,.
 
Nilinaw naman ng mambabatas na hindi ito pag-iwas sa pananagutan kundi paggiit ng kanyang karapatan sa due process.
 
Tiniyak din niyang handa niyang harapin ang kanyang mga kaso at patunayang walag katotohanan ang mga paratang laban sa kanya.

About The Author