dzme1530.ph

AKSYON NG PROSECUTION PANEL, DEDEPENDE SA SAGOT NI VP SARA DUTERTE SA ARTICLES OF IMPEACHMENT LABAN SA KANYA

Loading

Dedepende sa magiging argumento ni Vice President Sara Duterte sa kanyang reply sa articles of impeachment ang susunod na aksyon ng prosecution panel.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni prosecution panel spokesperson at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong na inaasahan nilang sasagot ang bise presidente sa impeachment court dahil sa pahayag nitong handa siyang humarap sa right forum.
 
Aminado naman si Adiong na nagtataka sila sa timing ng pagsusulong ng majority bloc ng pag-aamyenda sa kanilang Senate rules upang payagan ang online participation at voting ng mga senador na hindi makapunta physically sa Senado.
 
Kwestyonable rin para kay Adiong ang layunin ng Senado sa pagbubukas muli ng imbestigasyon sa flood control projects kasabay ng pag-usad na ng impeachment laban sa bise presidente.

About The Author