dzme1530.ph

PAGLILITIS NG ICC SA KASO NI DATING PANGULONG DUTERTE, SISIMULAN SA NOV. 30

Loading

Itinakda ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III sa Nov. 30, 2026 ang pagsisimula ng trial kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon.
 
Sa first status conference sa kaso, sinabi ni Presiding Judge Joanna Korner na araw-araw ang trial hanggang sa magkaroon ng judicial recess.
 
Kailangan din aniyang hintayin ang report hinggil sa fitness ng akusado, at partikular na tatanungin ang depensa kung sa tingin nila ay maaaring humarap ang dating Pangulo sa paglilitis.
 
Una nang inihayag ni Korner na ipag-uutos nila ang re-examination sa kalusugan ni Duterte, batay na rin sa kahilingan ng kanyang defense team.
 
Idinagdag ng presiding judge na nais ng legal representatives ng mga biktima na simulan ang trial sa Setyembre habang humirit ang ICC Registry na umpisahan ito sa January 2027 bunsod ng concerns sa interpretation.

About The Author