![]()
Sinalakay ng mga awtoridad ang isang bahay sa subdivision sa Angeles City, Pampanga kung saan hinihinalang nagtatago si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at National Bureau of Investigation.
Ayon kay Barangay Balibago Chairman Joseph Ponce, isinagawa ang operasyon kaninang alas-sais ng umaga.
Sinabi ni Ponce na ang bahay na sinalakay ay pag-aari ng tiyuhin ni Senador Robinhood Padilla.
Gayunman, bigo ang mga awtoridad na makita sa lugar si dela Rosa na tumakas sa Senado noong May 14.
Hindi rin nakita sa lugar ang anumang sasakyan na may kaugnayan kay dela Rosa.
