![]()
Irerekomenda na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Department of Justice ang paghahain ng kasong obstruction of justice laban kay Senador Robinhood Padilla at ilan pa dahil sa pagtulong kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na tumakas sa Senado.
Ayon kay PNP-CIDG Chief, Police Major General Robert Alexander Morico II, lumitaw sa kanilang imbestigasyon na hindi lamang simpleng sumabay si dela Rosa kay Padilla pauwi noong May 14.
Sa halip, highly coordinated at pre-planned escape ang pagtakas ni dela Rosa.
Natuklasan din ng CIDG na isa pang sasakyan ang nagsilbing security escort at backup car para sa SUV na pag-aari ni Padilla.
Tiniyak din ni Morico na batay sa kanilang intelligence information ay nananatili pa rin sa Pilipinas si dela Rosa.
