![]()
Nanguna si House Speaker Faustino Bojie Dy III sa pagbati ng Kamara de Representantes sa mga Muslim communities na nagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Ang Eid’l Adha ang itinuturing na “holiest celebrations sa Islam” bilang pag-alala kay Prophet Ibrahim sa pagsunod sa kagustuhan ng Panginoong Diyos.
Para kay Dy, ang banal na okasyong ito ay paalala ng kahalagahan ng pananampalataya, sakripisyo, malasakit, at pagsunod sa kalooban ng Diyos, mga pagpapahalaga na patuloy na nagbibigay-liwanag at inspirasyon sa ating lipunan.
Dalangin ni Dy na magsilbi nawa itong daan para sa pagkakaisa sa kabila ng magkakaibang paniniwala sa relihiyon at kultura.
