dzme1530.ph

2,500 NA PAMILYA, NAWALAN NG TIRAHAN BUNSOD NG MALAWAKANG SUNOG SA PAROLA COMPOUND SA MAYNILA

Loading

Mahigit 2,000 pamilya ang nawalan ng tirahan kasunod ng malawak na sunog na tumupok sa Parola Compound sa Binondo noong Sabado.
 
Sa pagtaya ni Manila Mayor Isko Moreno, nasa 2,500 na ang pamilyang nagpalista nang huli siyang magpunta sa site kahapon, at marami pa aniya ang hindi pa nakapagpapatala.
 
Sinabi ni Moreno na minamadali ng pamahalaang lungsod na alisin ang debris mula sa mga kalsada at kalapit na bahagi ng Pasig River.
 
Nakapag-request na rin aniya ng mga truck at bulldozers para tumulong sa clearing operations.
 
Plano ng Manila City Government na magbigay ng tulong pinansyal sa mga apektadong pamilya para sa muling pagtatayo ng kanilang mga bahay.
 
Karamihan sa mga biktima ay pansamantalang nanunuluyan sa Delpan Evacuation Center.

About The Author