dzme1530.ph

SUPREME COURT, NILINAW NA WALA PANG DESISYON SA MAIN PETITION NI SEN. BATO DELA ROSA SA ICC WARRANT

Loading

Nananatiling pending o nakabinbin pa rin ang main decision sa petition ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa warrant of arrest na inilabas laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC).
 
Pahayag ito ng Supreme Court, kasabay ng pagbibigay-diin na tanging prayer for a temporary restraining order (TRO) ang napagpasyahan ng korte noong nakaraang linggo.
 
Inihayag din ng Kataas-taasang Hukuman na magre-release sila ng kopya ng resolusyon na nagbasura sa hiling ng senador.
 
Ginawa ng SC ang paglilinaw, kasunod ng komento ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, kung saan na-quote ito na nagsabing nakatakdang maglabas ang SC ng desisyon sa main petition dela Rosa.
 
Inihayag ng Supreme Court na “taken out of context” ang statement ni Leonen nang dumalo ito sa meeting kasama ang Integrated Bar of the Philippines at Mindanao State University sa Marawi City noong Sabado.
 
Idinagdag ng Korte Suprema na sumentro ang pulong sa Shari’ah law at sa responsibilidad ng mga abogado.

About The Author