![]()
Pwedeng kasuhan ng obstruction of justice at harboring a fugitive si Sen. Robinhood Padilla dahil sa pagtulong nito kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na makatakas sa Senate building.
’Yan ang sinabi ni former Justice Secretary at ngayon ay Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima, kasunod ng pag-amin ni Senate President Alan Peter Cayetano na si Padilla ang kasama ni Bato nang lumabas ng gusali.
Aniya, sa nangyaring ito, ang taumbayan, ang rule of law at pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings noong Duterte presidency ang biggest loser.
Ang pagpuslit ni Bato sa Senate building sa kabila ng protective custody sa kanya ay pruweba na hindi talaga puwedeng dito sa Pilipinas litisin si Bato, si Duterte at kahit pa si Sen. Bong Go.
Binuweltahan din ni de Lima si Cayetano sa sinabing nagpa-saklolo din ito sa Senado nung inaresto ito dahil sa drug charges.
Maling-mali umano si Cayetano dahil mapayapa siyang sumuko noong Feb. 24, 2017 nang dumating sa kanyang tanggapan sa Senado ang arresting team.
