![]()
Pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla si Senate Sgt. at Arms Mao Aplasca.
Ito ay upang bigyang-daan ang impartial investigation sa naganap na shooting incident sa Senado noong Miyerkules ng gabi.
Sinabi ni Remulla na epektibo ngayong araw na ito ang suspension without pay kay Aplasca subalit maaari niya itong iapela.
Ipinaliwanag ni Remulla na nakakabahala ang ginawa ni Aplasca nang magdischarge ng baril sa loob ng Senado at pinaputukan ang mga tauhan ng law enforcement agency.
