dzme1530.ph

PAG-ALIS NI SEN. DELA ROSA SA SENADO, HINDI ITINUTURING NA PAGTAKAS NI SP CAYETANO

Loading

Hindi itinuturing ni Senate President Alan Peter Cayetano na pagtakas ang pag-alis ni Senador Ronald Bato dela Rosa sa Senado.

Sinabi ni Cayetano na pinili ni dela Rosa na umalis sa protective custody ng Senado.

Ipinaliwanag ng Senate leader na maituturing na tumakas ang isang tao kung siya ay naaresto o nabilanggo na hindi naman aniya ang sitwasyon ni dela Rosa.

Wala rin aniyang basehan ang tangkang pag-aresto kay dela Rosa dahil wala namang warrant of arrest laban sa kanya ang anumang lokal na korte.

About The Author