dzme1530.ph

ALAMIN ANG BENEPISYONG HATID NG MATCHA

Loading

Mahilig ba kayo sa matcha?

Alam n’yo ba na ang matcha ay uri ng pinulbos na green tea na nagmula sa Japan, at patuloy na sumisikat dahil sa mga benepisyong dulot nito sa kalusugan.

Ayon sa mga eksperto, mayaman ang matcha sa antioxidants na tumutulong labanan ang mga free radical sa katawan.

Dahil dito, nakatutulong ito upang mapabagal ang pagtanda ng mga cells at mapanatili ang malusog na pangangatawan.

Nakikilala rin ang matcha sa pagpapalakas ng energy at focus.

Taglay nito ang natural na caffeine at L-theanine na nakatutulong sa pagiging alerto ng isip nang hindi nagdudulot ng matinding “energy crash” kumpara sa karaniwang kape.

Mabuti rin ang matcha para sa puso dahil maaari nitong mapababa ang bad cholesterol at makatulong sa maayos na sirkulasyon ng dugo.

Ilan sa mga pag-aaral ang nagsasabing posibleng makatulong din ito sa pagkontrol ng blood sugar at pagpapababa ng taba sa katawan kapag sinabayan ng tamang diyeta at ehersisyo.

Bukod dito, pinaniniwalaang nakatutulong ang matcha sa pagpapalakas ng immune system dahil sa taglay nitong mga bitamina at minerals.

Paalala naman ng mga doktor na dapat pa ring uminom ng matcha sa tamang dami upang maiwasan ang sobrang caffeine na maaaring magdulot ng hirap sa pagtulog o pagbilis ng tibok ng puso.

About The Author