dzme1530.ph

SUBPOENA LABAN KAY SEN DELA ROSA, NAISILBI NA SA SENADO

Loading

NAISILBI na ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa tanggapan ni Senador Ronald Bato dela Rosa sa Senado ang subpoena laban sa kanya.
 
Pasado alas-10 ng umaga kanina nang dumating sa Senado ang team ng PNP-CIDG sa pangunguna ni Police Captain Larry Rey.
 
Sinabi ni Rey na bagama’t hindi nilagdaan ng staff ng senador ang received copy ng subpoena ay maituturing na itong naisilbi na.
 
Nakasaad sa subpoena na pinadadalo si dela Rosa sa imbestigasyon ng PNP-CIDG sa Huwebes, alas-10 ng umaga para sa mga kaso ng extrajudicial killings sa Davao.
 
Kung hindi tutugon si dela Rosa sa imbitasyon, maaari siyanng maharap sa kasong indirect contempt.

About The Author