dzme1530.ph

VIRAL VIDEO NI VP SARA NA NAGBABANTA KAY PBBM, GENUINE, AYON SA NBI

Loading

“Genuine” ang November 23, 2024 viral video ni VP Sara Duterte na nagbabanta ng asasinasyon kay PBBM, FL Atty. Liza Araneta Marcos at former Speaker Martin Romualdez.
 
Sa hearing ng House Committee on Justice, kinumpirma ni NBI Agent John Mark Calilung na sinuring mabuti ang video at aunthenticated ng bureau’s Affidavit of Authentication of Digital Evidence, at ito ay isinumite sa panel bilang ‘annex ng affidavit of investigation.
 
Sa pagtatanong ni Rep. Ysabel maria Zamora ng San Juan City, sinabi ni Calilung na ang video ay hindi edited, altered o spliced, o artificial intelligence o AI generated.
 
Kinumpirma din ni Calilung na bahagi ng kanilang verification process ay pakikipag-ugnayan sa Meta Platform para ma-preserve ang original URL, screen recording ng livestream, at hash value computation para madetect ang alteration.
 
Paliwanag pa ng agent, ang hash value calculation ay parang fingerprint ng digital file, na kung na-edit ang video ay magbabago ang hash value.
 
Sa isang mosyon, ang isinumite at na-play na video ay kabilang na sa official record ng komite kasama ang sworn findings ng NBI.

About The Author