![]()
Nagtipun-tipon ang pamilya at malalapit na kaibigan ni Angel Locsin, kabilang ang kanyang stepson na si Joaquin Arce, at fellow celebrities na sina Anne Curtis at Chito Miranda, sa isang intimate party para ipagdiwang ang kaarawan ng aktres.
Sa Instagram Stories ni Anne, makikitang sinelebrate ni Angel ang kanyang 41st birthday sa isang event na ginanap sa isang bar.
Kabilang sa highlights ng party ay ang duet nina Anne at Chito ng kantang “Halaga” ng Parokya ni Edgar, pati na ang kani-kanilang performances ng “Torn” at “Harana.”
Present din sa okasyon ang misis ni Chito na si Neri Naig at aktres na si Bubbles Paraiso.
Wala namang ibinahaging litrato ni Angel ang kanyang mga kaibigan sa social media.
