![]()
Ang pagkakaroon ng mas mabilis na metabolism ay makatutulong sa mas episyenteng pagsunog ng calories at pagpapanatili ng tamang timbang.
Ang metabolism ang proseso ng katawan sa pagko-convert ng pagkain bilang energy na kailangan sa araw-araw na gawain.
Maraming paraan upang mapabilis ang metabolism.
Kabilang dito ang regular na pag-eehersisyo, lalo na ang strength training at high-intensity workouts na nakatutulong sa ating mga muscles upang mas mataas ang kakayahan ng katawan na magsunog ng calories kahit nagpapahinga.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagkain ng sapat at balanse na diyeta.
Ang pagkain ng protina, tulad ng isda, itlog, at manok, ay nakatutulong sa pagtaas ng metabolic rate dahil mas maraming energy ang kailangan upang i-digest ito.
Inirerekomenda rin ang pag-inom ng sapat na tubig dahil nakatutulong ito sa maayos na pagganap ng metabolism.
Samantala, binabalaan ng mga eksperto ang mga umaasa sa mga “quick fix” o supplement na nangangakong pabilisin ang metabolism.
Mas epektibo pa rin ang malusog na pamumuhay kumpara sa mga hindi siguradong paraan.
Malaki rin ang epekto ng sapat na tulog at pag-iwas sa matinding stress sa pagpapanatili ng malusog na metabolism.
Ang kakulangan sa tulog ay maaaring magpabagal ng proseso ng katawan at magdulot ng pagdagdag ng timbang.
