dzme1530.ph

DOJ, HINDI UUWING “EMPTY-HANDED” MULA SA CZECH REPUBLIC

Loading

Tiniyak ni Justice Secretary Frederick Vida na hindi mawawalan ng saysay ang kanilang biyahe sa Czech Republic.

Sa gitna ito ng pagsisikap na malinawan ang estado ni dating Cong. Zaldy Co at ang posibleng pagpapabalik sa kanya sa Pilipinas.

Sinabi ni Vida na nakatakdang makaharap nila ang Czech authorities upang ma-validate ang lahat ng impormasyon at mapag-usapan ang mga posibleng opsyon para sa pagpapauwi kay Co.

Kinumpirma ni Vida na may hawak na silang “workable intel” mula sa inisyal na pakikipag-ugnayan sa Prague, subalit tumanggi muna siyang idetalye ito.

Malinaw naman aniya na may mga proseso ang lahat ng hakbangin, subalit tiniyak niyang hindi sila uuwi “empty-handed” o walang dala.

About The Author